Calendar

Nagnenok ng motor tigok sa engkwentro sa Antipolo
TIGOK sa pakikipag-engkwentro sa mga pulis noong Biyernes ang lalaki na umano’y nagnakaw ng motorsiklo sa Sitio Gipit, Brgy. San Jose, Antipolo City.
Ang napatay na suspek kinilalang si alyas Christian, 28.
Ayon sa imbestigasyon nina Pat. Marvin Del Rio Llaga at Noel Brian Gonzales Isleta, ninenok ng suspek ang Euro Sip 125 (714 TP) noong Mayo 30, 2025.
Kinalaunan ipi-nost ng tunay na may-ari ng motor sa kanyang FB page ang motor na nakita naman ng isang concerned citizen na pinag-alukan ng suspek na bilhin ang motorsiklo.
Isang nagngangalang Jocelyn Alvarez ang nag-report sa mga pulis tungkol sa nakaw na motor na binebenta.
Nang maramdaman ng suspek ang presensya ng mga pulis sa bentahan, tumakbo ito kaya hinabol ng mga pulis.
Naglabas umano ng baril ang suspek at dalawang beses na nagpapaputok na nag-udyok kay Pat Islita na barilin ang suspek na tinamaan sa ulo.
Idineklarang patay na ang suspek pagdating sa ospital.
Narekober sa lugar ng insidente ang isang .38 caliber at dalawang bala.