Calendar

10 taong tagu-taguan ng ex-sundalong suspek sa murder nagtapos sa kulungan
NASAKOTE noong Huwebes ng mga awtoridad ang 69-anyos na dating sundalo dahil sa kasong pagpatay sa Brgy. San Jose, Antipolo City matapos ang mahigit 10 taong pagtatago.
Nahuli si alyas Joel ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-Rizal Provincial Field Unit at Warrant Team ng Antipolo City police bandang alas-10:15 ng umaga.
Ayon sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-4A director P/BGen. Kenneth Lucas, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Antipolo ang suspek.
Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Batay sa imbestigasyon, naganap ang krimen noong Disyembre 2013 ng barilin at pagtatagain umano ng akusado ang kanyang nakainuman na agad namatay.
Simula noon nagtago na at palipat-lipat na ng bahay ang suspek upang makaiwas sa batas.