Calendar
Metro
22-anyos na suspek sa gahasa ng menor timbog
Edd Reyes
Jun 2, 2025
384
Views
TIMBOG ang 22-anyos na lalaki dahil umano sa panghahalay sa menor-de-edad na bata noong Linggo sa Valenzuela City.
Naaresto ng mga tauhan ni Valenzuela acting police chief P/Col. Relly Arneda si alyas Jeric dakong alas-4:10 ng hapon sa Gen. T. De Leon St. Valenzuela City.
Ayon kay Northern Police District Public Information Office (NPD-PIO) head P/Lt. Marcelina Pino, bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Family Court Presiding Judge Mateo Alterejos ng Branch 16 para sa kasong statutory rape ng arestuhin ang suspek.
Pinuri ni NPD Director P/BGen. Josefino Ligan ang mga tauhan ng Valenzuela police sa mabilis na pagkakadakip sa akusado.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

