PRC

Graduate ng UP nanguna sa physical therapist licensure exam

229 Views

ISANG graduate ng University of the Philippines-Manila ang nanguna sa June 2022 physical therapist licensure examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) si Jean Ella Marie Taruc Razon ay nakakuha ng 88.05 porsyento.

Sa 1,032 test takers, 564 ang pumasa, ayon sa PRC.

Pumangalawa naman si Kevin Anthony Gutierrez Patron ng De La Salle Medical & Health Sciences Institute. Siya ay nakakuha ng 88.0 porsyento.

Ang UP Manila ang top performing school na nakapagtala ng 92.86 porsyentong passing rate matapos pumasa ang 26 sa 28 examinees nito.