Valeriano

Chua, Valeriano sinuportahan si PBBM na ipa-suspindi ang rehabilitasyon ng EDSA

Mar Rodriguez Jun 3, 2025
1242 Views

Valeriano1NAGPAHAYAG ng pagsuporta para kay Pangulong Bongbong R. Marcos, Jr. sina Manila Representatives Joel R. Chua at Rolando “CRV” M. Valeriano matapos itong mag-desisuyon na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng EDSA Rebuild project.

Para sa dalawang kongresista, hindi anila nagkamali ang Pangulong Marcos, Jr. sa pagde-desisyon nitong pansamantalang ipatigil ang pagpapatupad ng naturang proyekto dahil tiyak na maraming motorista ang mape-perwisyo.

Pagbibigay diin nina Chua at Valeriano na habang naka-suspindi ang implementasyon ng EDSA Rehabilitation project. Ito naman ang pagkakataon para makapag-balangkas ng mga alternatibo para maibsan ang malaking problemang idudulot ng proyekto.

“President Marcos, Jr. is correct to press pause. This is a sign of responsive leadership. It gives us time to explore faster, smarter alternatives to rehabilitate EDSA without subjecting commuters and motorists to two years of unnecessary hardship,” sabi nila.

Ipinaliwanag pa nina Chua at Valeriano hindi biro ang dalawang taong pagsasagawa ng nasabing proyekto dahil matinding trapiko ang inaasahang idudulot nito kaya dapat maglatag ng mga paraan upang matapos lamang ng anim na buwan ang rehabilitasyon ng EDSA.

“Hindi biro ang dalawang taon na trapik at perwisyo. Kung may paraan na puwedeng tapusin ang EDSA rehab sa anim hanggang dalawang buwan lamang, yun po ang dapat nating gawin.

Kailangan natin itong gamitan ng modernong teknolohiya,” dagdag pa nina Chua at Valeriano.

Iminumungkahi din ng dalawang mambabatas sa mga ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dapat gayahin nila ang Japan, Singapore at iba pang mga bansa na gumagamit ng modernong teknolohiya para mapabilis ang isang proyektong imprastraktura.