Man of the world

Bataan binisita ng participants ng Man of the World

Christian Supnad Jun 3, 2025
79 Views

THE BUNKER, Bataan–Bumisita noong Lunes sa Bataan ang 28 participants ng Man of the World na mula sa iba’t-ibang bansa.

Tinanggap ang mga bisita ni Bataan Gov. Joet Garcia sa kanyang tanggapan sa The Bunker. Gaganapin ang Man of the World sa SM Skydome, Quezon City sa Mayo 31.

Inaanyayahan din ng gobernador ang lahat na suportahan ang mga kandidato sa kompetisyong ito.

Ayon sa opisyal, isang karangalan sa Bataan ang pagbisita ng mga delegado ng Man of the World dahil lalong makikilala ang lalawigan at mapapalakas ang turismo nito.

Ang pageant, na nilahukan ng 80 participating countries mula ng mag-umpisa ito, binuo ng Prime Events Productions Philippines (PEPPs) Foundation, Inc., na siya ring nag organisa sa Misters of Filipinas competition.

Si Sergio Azuaga ng Venezuela ang kasalukuyang titleholder ng Man of the World 2024. “Goodluck po sa lahat ng mga kandidato sa Man of the World,” ani Gov Garcia.