Marites Lang

Walang Pinoy Na Magugutom

Marites Lang Jun 9, 2022
423 Views

FoodSa pagpapatakbo ng pamahalaan ng Pilipinas mula ng itayo ang ating gobyerno noong binigyan tayo ng kalayaan ng mga Amerikano, wala pang naging kalihim ng agrikultura na agricultural scientist o eksperto sa linyang ito. Maaaring merong mahuhusay na naging kalihim subalit hindi pa tayo naglagak ng nakapagaral ng Doctorate sa linyang ito sa malalaking eskwelahan sa abroad.

Hindi pa tayo nakaranas na magbigay ng kaalaman ang mga pinoy scientists sa ikalalawak at pagpapaunlad ng mga pananim na pagkain para sa mga Pinoy.

Ang hindi alam ng nakararami, ang bansang Taiwan ay isang scientist na Pilipino ang nagpaunlad ng agrikultura nila kaya ang bansang ito ay major exporter ng mga gulay at maunlad na bansa.

Kung nagawa nila ito, bakit tayo ay hindi? Pagkadami daming agricultural scientists sa UP Los Banos na kagaganda ng mga researches nila upang paunladin ang sector subalit hindi pa na-tap for our domestic agricultural concerns. Meron ding food scientists sa UPLB na sana ay nakakatulong sa ating mga food concerns. Bukod sa mga nakuhang taga gawa ng mga pribadong kompanya sa food products na ibinebenta sa domestic market, sana ay mas mapakinabangan ang mga potensyal nila dito sa ating bansa.

Subalit kung super knowledgeable na mahusay na agri scientist at mahusay din sa food science na magkapatid na linya ang kalihim sa sector na ito ay lalong mas magaling. Para sa hindi nagkaroon ng subject sa mga linyang ito, ang agricultural scientist ay eksperto sa pagaadjust ng mga binhing local para tumaas ang nutritional value at makaadjust sa pagtatanimang lupa. Ang ibig sabihin dadami ang yield o ani. Ang food scientist naman ang eksperto sa pagproseso para pagkaani ay maproseso ang pagkain na preserved ang nutrisyon at pwedeng ang shelf life ay ilang taon tumagal para maipamahagi ang mga harvest natin na hindi nakukuluntoy o nasisira ang kalidad bilang pagkain pati nutritional value nito. Basta mahusay sa linyang ito ay karapat dapat maging Department of Agriculture Secretary.

Kung noong mga nakaraang panahon ay hindi natin napagtuunan ng pansin ang pangangailangan sa kanilang pagkadalubhasa, ang mga nangyayari ngayon tulad ng Covid 19 at sunod sunod na calamities ay sapat na para tayo ay magkaroon ng insights na nagtuturo sa direksyon ng paglalagay ng mga dalubhasa sa linyang ito.

Maski ang ilang Undersecretaries sa DA ay mas mahusay sana kung dalubhasa din sapagkat in sync sila kung parallel minds ang magpapatupad ng mga proyekto sa DA. Naku ang hirap sabihin na sa dami ng umupo diyan ay ni walang nakapagpatupad maski isang proyekto na magpapadami ng yield kahit sa pinakasimpleng gulay o kaya ay prutas. At ang mga umupo diyan kadadaming pera pagkatapos ng term nila walang nagawa para sa sector na ito sa dami ng mga scientists natin na nagiintay ipatawag nila. Siempre mga dalubhasa sila, hindi hard sell na pabibo, pabebe o kaya ay papan na mema lang. Me disiplina naman at pride ang mga scientists Teh!

Meron akong nakilala mula noong bata pa ako na hinangaan sa mga naresearch niya sa Edible Landscaping at kinilala ng International Society for Southeast Asian Agricultural Science. Nosebleed man tayo ay simplehan lang natin ito. May sinabi siya matapos ang isang research niya sa pagpapadami ng food plants sa kanyang edible landscaping project. Sang ayon sa kanya: “NO FILIPINO SHOULD BE HUNGRY!”. Naluha ako ng konti… misty eyed lang bahagya kasi naramdaman ko ang iniisip niya. Ang scientist na ito ay si Dr. Fernando C. Sanchez, Jr. Nakapaglingkod siya bilang Chancellor sa UPLB hanggang 2021. Swak sa puso ko yung walang pinoy na magugutom sapagkat may angking talino tayo na magpalawig at magtanim ng halamang pagkain maski sa munting lupa. Inadjust niya sa genetics level ang ilang mga pananim na pagkain. Me thinks dapat gawing hobby ito ng bawat pinoy. Magtanim ng magtanim kahit sa paso. At ang soil ipatimpla ng maayos para may kalidad na magpabuhay sa ganitong halaman sa murang halaga. Eto ang dapat gawing project ng DA lalo ngayong madaming utang ang bansa natin at nasaktan tayo sa pandemic. Isa pa nagpakadalubhasa siya sa Japan noong nag PhD sya, kaya alam niya gawin itong mga bagay na ito.

Wala tayo karapatang mahirapan humanap ng pagkain kung masikap lahat magtanim kahit konti. Basta viable ang binhi ay ang limang (5) halaman na itinanim ay sapat na para may kainin ng matagal tagal na din. Magtiwala tayo sa mga pinoy scientists at nawa’y bigyan sila ng pagkakataong magpadami ng mga binhing pagkain. Hindi tayo lahat aasa sa mga importasyon kung may sapat na ani tayo. Ang mga landscape plants natin ay gulay at pwede ding vertical na edible food garden kung maliit ang space. Kung may sapat na lupa ay horizontal food landscape ang gawin. Kung mga ganito ang pinagkakaabalahan ng DA wala talagang magugutom na Pinoy. Di mauuso ang nanghihingi dahil Tom Jones na at wala din krimen gaano kung busog ang mga Pilipino.