Kapunan: Hindi si VP Sara ang biktima
Oct 14, 2026
VP Sara hindi na kailangang magbitiw –Abante
Oct 14, 2026
Calendar
Metro
Tindera naburyong, nanapak ng tanod, kulong
Edd Reyes
Jun 7, 2025
502
Views
KULONG ang 57-anyos na babaeng vendor ng magwala at manapak ng barangay tanod noong Sabado sa Malabon City.
Dakong alas-4:05 ng umaga ng magising ang mga residente ng Brgy. Potrero dahil sa pag-eeskandalo ni alyas Annaliza sa kanto ng Rimas St. at Pineapple Road sa hindi pa batid na dahilan.
Nang tangkain pahupain ng mga nagrespondeng barangay tanod ng Brgy. Potrero ang pagwawala ng ginang, lalu pang tumindi ang pag-eeskandalo nito at sinapak pa sa ulo ang babaeng tanod na si Jeanna Garcia.
Dito na umeksena ang mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan at inaresto ang nagwawalang ginang na nahaharap ngayon sa kasong alarm and scandal at direct assault.
Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
Ama dinampot sa gahasa ng menor de edad na anak
Oct 13, 2026
QC kinondena pamamaril ng 3 ‘nakatambay’ sa QC
Oct 13, 2026

