Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Mayor Isko

Pagpapaganda ng Jones Bridge isa sa pinagmamalaking naging proyekto ni Yorme Isko

Edd Reyes Jun 9, 2025
294 Views

ISA sa mga maipagmamalaking proyektong naisakatuparan ni Manila Mayor-elect Isko Moreno Domagoso sa maikling panahon ng panunungkulan ang pagpapanumbalik sa ilang siglo ng lumang istraktura na Jones Bridge na nag-uugnay sa Binondo at Intramuros.

Kasama ni Yorme Isko ang kanyang incoming Chief of Staff Cesar Chavez nang muling bisitahin ang tulay na minsang tinaguriang “Queen of all Bridges” Linggo ng gabi, na kanyang ipinaayos noong 2019 at nilagyan ng kumpletong poste na tila may lampara, kulay gintong pader at ibinalik ang simbolikong rebulto ng La Madre Filipina.

“Ang tulay ng Jones Bridge ay nagpakita ng paglago ng Lungsod ng Maynila. Ibinalik din namin ang La Madre Filipina para maging testigo sa Bagong Maynila,” pahayag ni Yorme Isko.

Napanumbalik ni Yorme Isko ang ganda ng Jones Bridge sa loob lamang ng dalawang buwan sa unang 100-araw ng kanyang panunungkulan na pinangunahan ni City Engineer Armand Andres at sinuportahan ng donasyong P20 milyon ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry.

Bukod sa napakagandang pagkakagawa tulad ng mga solar-powered na studs at mga posteng tila lampara na makikita sa Paris, may vertical gardens at musika ng kundiman ang tulay na nakakaragdag sa ligtas na pagdaraan at pagbisita ng mga tao.

Maging si dating Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ay humanga at nagsabing “When I actually first saw the pictures of the Bridge, hindi ako makapaniwala. Para siyang postcard… Photoshop ba ‘yan?”. Nilagdaan din niya ang kasunduan nila ng lokal na pamahalaan na maibalik ang rebulto sa tulay at umaasang ang dalawa pang nililok na estatuwa na nasa gusali ng Court of Appeals ay maibabalik din dito,

Hindi lamang ang pagpapanumbalik ng ganda ng Jones Bridge ang bahagi ng malawak na pangako ni Domagoso sa kanyang kampanya kundi ang buhayin muli ang kultura at kasaysayan ng Maynila.

“Beautification is good. Pero sa akin, mas maganda ‘yung ligtas ang lahat… walang uri ng ganda na puwedeng ipampalit sa buhay ng tao,” sabi niya.

Unang idinisenyo ni Juan Arellano at tulay na nakumpleto noong 1921 at muling binuo noong 1946 matapos mawasak sa panahon ng digmaan. Noong 1998, bahagyang napanumbalik ni Architect Conrad Onglao ang ganda ng tulay hanggang tuluyang maibalik halos sa orihinal na ganda sa panahon ni Yorme Isko.

Sa pagpapanumbalik ng ganda ng Jones Bridge, hindi lamang binuhay ni Yorme Isko ang kasaysayan ng Maynila kundi sinimulan na rin niya ang pagnanais na mapalawak ang pagbabagong muli ng lungsod na maging malinis, ligtas, at maipagmamalaki ang nakaraan nito.