Driver Kasalukuyang inoobserbahan ang biktima matapos barilin sa paa at puwet dahil sa utang na hindi nababayaran.Kuha ni JONJON C. REYES

Driver di nagbayad ng utang, binoga sa wetpaks, ulo

Jon-jon Reyes Jun 9, 2025
20 Views

MILAGRONG nabuhay ang 32-anyos na lalaki matapos barilin sa puwet at paa ng nakatakas na suspek na nakaaway niya dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa Gate 54, Gasanagan St., Parola compound, Brgy. 275, San Nicolas, Manila noong Linggo.

Nakilala ang biktima na si alyas Omari, 32, driver, habang nakaeskapo ang maniningil na suspek na si alyas Alvin.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Flaviano Gacal Jr., desk officer, kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca ,Station Commander ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District, ala-1:30 ng hapon naganap ang pamamaril

Base sa report ni Police Staff Sergeant Vandiel Nicco Banzon, nasa labas ng bahay ang biktima at ang asawa nito ng biglang lumapit ang suspek at tinanong nito kung magbabayad na siya ng utang.

Sumagot ang biktima na magbabayad siya sa susunod na siyang ikinagalit ng suspek hanggang sa paputukan sa paa at puwet.