Calendar
2 nanguna sa nursing licensure exam
ISANG nagtapos sa Emilio Aguinaldo College-Manila at isa mula sa Our Lady of Fatima University –Valenzuela ang nanguna sa nursing licensure exam na ginawa noong Mayo.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) pumasa ang 6,616 sa 9,729 kumuha ng pagsusulit na isinagawa ng Board of Nursing sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.
Nanguna sa pagsusulit sina Keziah Kyleen Gonzales na EAC-Manila at Nora Jane Staveley, ng OLFU-Valenzuela na kapwa nakakuha ng 90 porsyento.
Pumangalawa naman si Juali Flora Rosa Amarille, ng Our Lady of Fatima University- Antipolo na nakapagtala ng 89.40 porsyento.
Tatlo naman ang nasa ikatlong puwesto na sina Dhen Loren Delos Santos, ng University of Pangasinan, Christine Joy Hipolito ng Central Luzon Doctor’s Hospital Educa. Institution, at Kyrr Justino Paulo Zerrudo, ng Ateneo de Davao University na nakakuha ng 89 porsyento.