Shabu Source: File photo

P300K na shabu nakuha ng 3 suspek na tulak

Bernard Galang Jun 15, 2025
345 Views

LIMAY, BATAAN–Dalawang drug suspect na sangkot umano sa pamamahagi ng shabu sa lalawigang ito ang naaresto noong Sabado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bataan Provincial Office at nakumpiska sa kanila ang may P340,000 na halaga ng shabu sa Brgy. Townsite ng lugar na ito.

Kinilala ng hepe ng PDEA Bataan ang mga suspek na sina alyas Jojo, 47; at Jess, 48.

Narekober ng mga ahente ng PDEA ang humigit-kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at ang buy-bust money na ginamit ng poseur-buyer.

Isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng PDEA Bataan Provincial Office, Bataan PPO Drug Enforcement Unit at Drug Enforcement Unit ng Balanga City police.

Nakakulong ngayon ang dalawang suspek sa PDEA jail facility sa San Fernando City, Pampanga.