Dolor

Mga paaralan binigyan ng pintura, semento ni Gov. Dolor

25 Views

NAMIGAY si Gov. Bonz Dolor at asawa niya ng semento at pintura sa mga paaralan sa West, East at South District sa Naujan noong Biyernes.

Tumanggap ng tig-20 sako ng semento at dalawang galon ng pintura ang 91 paaralang elementarya at sekondarya at ang tatlong distrito sa Naujan.

Binigyang diin ni Gov. Dolor na walang itatangi dahil lahat ng paaralan sa bayan ng Naujan ay makakatanggap ng semento at pintura.

Magkatuwang na pinangunahan ni Gov. Bonz at kanyang asawa ang pagpipinta ng dingding ng isang silid-aralan katuwang ang ilang public schools district supervisors sa Naujan.

Isusunod na ipapamahagi ang kaparehong inisyatiba sa 13 pang mga bayan at Calapan.

Tinatayang 643 na paaralan at 21 distrito sa buong lalawigan ang hahatiran ng tulong sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga paaralan para sa muling pagbubukas ng klase.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapakita ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa programang Brigada Eskwela 2025 ng Department of Education (DepEd).