PAGASA

Supermoon masisilayan sa Hunyo 14

218 Views

MASISILAYAN sa Hunyo 14 ang supermoon, isa sa popular na astronomical spectacle ng taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Ang supermoon o perigean full moon ay isang astronomical phenomenon kung saan nasa pinakamalapit na distansya ang buwan sa mundo habang ito ay naka-full moon kaya nagmumukha itong malaki.

Ayon sa PAGASA, ang layo ng buwan sa mundo sa Hunyo 14 ay 357,656.377 kilometro. Ang kalimitang layo ng buwan sa mundo ay 363,300 kilometro.

Ang buwan ay magiging mas malaki umano ng 17 porsyento at 30 porsyentong mas maliwanag sa Hunyo 14, ayon sa National Aeronautics and Space Administration.