Calendar
LTO ipinatawag Toyota owner, driver na nasa road rage
SA utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na tugisin ang mga nagpapahamak sa kaligtasan sa kalsada, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng patnubay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang may-ari at drayber ng Toyota pick-up na sangkot sa road rage laban sa pampasaherong bus.
Batay sa video, ilang beses na sinadyang harangan ng pick-up (EAE 6704) ang pampublikong bus sa kaliwa’t kanan ng highway upang hindi makalusot.
Sinabi ni Asec. Mendoza na bahagi rin ng imbestigasyon ang pagtukoy kung ang rehistradong may-ari ng sasakyan ang siya ring nagmamaneho nang maganap ang insidente.
Inatasan ang may-ari ng sasakyan na humarap sa LTO-Intelligence and Investigation Division sa East Avenue, Quezon City sa Hunyo 20 at magsumite ng written explanation kung bakit hindi siya dapat sampahan ng kasong administratibo sa ilalim ng Reckless Driving (Seksyon 48 ng R.A. 4136) at kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang lisensya ng drayber dahil sa pagiging “improper person to operate a motor vehicle.”
Pansamantalang ilalagay sa alarm ang pick up upang pigilan ang anumang transaksyon kaugnay nito habang isinasagawa ang imbestigasyon.