Inday Sara Sina incoming Vice-President Inday Sara Duterte”, House Speaker at House Majority Leader – Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez, Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez at kinatawan sa Tingog Party List Group na si Jude Acidre sa oath-taking ceremony.

Romualdez: Magandang kinabukasan naghihintay sa PH sa ilalim ni PBBM

Mar Rodriguez Jun 15, 2022
250 Views

Inday Sara Inday Sara Inday SaraISANG napakagandang kinabukasan at bukang liwayway ang naghihintay para sa lahat ng mga Pilipino. Sa ilalim ng pamamahala nina President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at incoming Vice-President Inday Sara Duterte”.

Ito ang nilalaman ng talumpati ni incoming House Speaker at House Majority Leader – Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez  sa isinagawang “oath-taking” ceremony sa Remedios T. Romualdez Medical Foundation Gymnasium sa Calanipawan Road matapos manumpa ni Romualdez bilang bagong halal na kinatawan ng Leyte.

“My kasimanwas (countrymen), a brighter future awaits all of us. Our new President and Vice-President share with us our dream of a better generation for our children. Not only here in Tacloban and Eastern Visayas, but in all parts of the country,” sabi ni Romualdez sa kaniyang inaugural address bilang nahalal na kinatawan ng Leyte.

Bukod kay Romualdez, nanumpa din ang maybahay nitong si Tingog Rep. Yedda Marie K. Romualdez, kasama ang kapwa nito kinatawan sa Tingog Party List Group na si Jude Acidre. Kabilang din si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez sa mga nanumpa.

Nasaksihan naman ni incoming Vice-President Duterte ang isinagawang “oath-taking” ceremony na nagtungo pa mismo sa Leyte, kung saan, ginawa ang panunumpa sa Barangay 109-A na pinangasiwaan naman ni Chairman Rodolfo Padillo ang panunumpa.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Majority Leader na isang malaking hamon ang naghihintay kay Marcos at sa bagong administrasyon nito. Kabilang sa mga hamon na haharapin at susuungin ng bagong Pangulo ay ang paglaban nito sa laganap na kahirapan at ang pag-unlad ng bansa o ang tinatawag na “economic growth”.

“Inclusive growth. Dapat pakinabangan ng lahat ang biyaya ng pag-unlad. That is what we aim for Tacloban and even in the whole Easter Visayas in the next three years under my next term as your Representative in the 19th Congress,” sabi pa ni Romualdez.

Sinabi din ni Romualdez na sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1986, ngayon pa lamang nagkaroon ng nahalal na “majority President” sa katauhan ni Marcos. Dahil sa suporta ng nakararaming Pilipino na bumoto sa kaniya noong nakalipas na halalan.

“For the first time since 1986, we have elected a majority President in the person of Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. The overwhelming mandate that he received from the Filipino voters will surely help him steer the nation in the direction that we all desire. One that is anchored on his message of unity and his vision of Filipino nationhood,” dagdag pa ni Romualdez sa kaniyang talumpati.