Aso Ang kaawa-awang aso matapos pagpapaluin ng aluminum bar ng suspek sa Sta. Ana, Manila.

Aso hinataw sa ulo ng bakal, sinagip ng MPD

Jon-jon Reyes Jun 23, 2025
50 Views

TIMBOG ang suspek sa pagpalo sa aso ng 27-anyos na dalaga sa Punta Sta. Ana, Manila noong Linggo.

Ayon sa ulat ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, bandang ala-1:00 ng hapon ng pinaghahataw ng 24-pulgadang angular bar ng suspek na si alyas King, 26, e-bike driver.

Narekober ng mga pulis ang ginamit sa pamamalo kaya dinala sa presinto para gawing ebidensya.

Bago maaresto, isang office staff na dalaga ang nagpasaklolo sa mga barangay tanod sa lugar para mahuli ang suspek.

Sa tulong ng driver at crew ng mga pulis na lulan sina Police Staff Sergeant Noel Haclawon, nagtungo sa presinto ang mga pulis bitbit ang suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10631 (Philippine Animal Welfare Act of 2013) ang suspek.