DOH

DOH nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa 11 lugar sa NCR

156 Views

BAHAGYA umanong tumaas ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa 11 lugar sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ang mga lungsod ng Makati, Parañaque, San Juan, Mandaluyong, Muntinlupa, Las Piñas, Pasig, Manila, Quezon, Marikina, at Valenzuela.

Pero nananatili umanong mababa ang average daily attack rates na nasa pagitan ng wala pang isa hanggang sa tatlong kaso kada 100,000 populasyon.

Ang lahat umano ng lugar sa NCR ay nananatiling low risk total COVID-19 beds utilization.

Tumaas naman umano ng 50 porsyento ang ICU utilization sa Makati at Parañaque.

Karamihan umano sa mga bagong kaso ay mild at asymptomatic kaya hindi tumaas ang pangangailangan na ipasok sa pagamutan pero hindi umano ito maaaring gamiting dahilan para hindi mag-ingat.