Calendar
Speaker Ferdinand Martin Romualdez
Pondong kailangan sa pagkuha ng 20,000 bagong guro itutulak ni Speaker Romualdez
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa publiko na patuloy na susuportahan ng Kamara de Representantes ang paglalaan ng pondo para sa 20,000 bagong posisyon ng guro sa mga pampublikong paaralan, bilang tugon sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Speaker Romualdez, sisiguraduhin ng Kamara ang patuloy na pagpopondo sa mga bagong teaching positions sa ilalim ng Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Secretary Sonny Angara.
Tinawag ni Speaker Romualdez ang inisyatibo ng Marcos administration na isang makabuluhang hakbang na tumutugon hindi lang sa sektor ng edukasyon kundi maging sa pagpapalakas ng kabuuang job generation ng bansa.
“All 20,000 new teaching items are about changing lives, not just addressing the shortage of teachers in our classrooms. Each position filled means a teacher in front of students who need guidance, and a Filipino family with a new source of income, dignity and hope,” ani Speaker Romualdez.
Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang pondo ay manggagaling sa built-in appropriations ng DepEd sa ilalim ng New School Personnel Positions program para sa fiscal year 2025.
Tiniyak ni Speaker Romualdez na hindi lamang poprotektahan ng Kamara ang pondong ito sa panahon ng implementasyon, kundi sisiguraduhin din ang tuloy-tuloy na paglalaan ng pondo sa 2026 budget at sa mga susunod pang taon upang masiguro ang pagpapatuloy ng programa.
Ipinaabot din ni Speaker Romualdez, pinuno ng 306-kinatawan ng House of Representatives, ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Marcos sa paninindigan nitong palakasin ang sistema ng edukasyon at sa pagkilalang ang tunay na reporma ay nagsisimula sa mga guro na siyang naghahatid ng kaalaman sa bawat silid-aralan.
“We thank the President for championing this initiative. This is what leadership looks like: one that understands that the future begins in every classroom,” saad ni Speaker Romualdez.
Pinuri rin niya si Angara sa pagiging aktibo at may malalim na kaalaman sa mga hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon.
“Secretary Angara brought not only data but vision, backed by years of legislative work on education. Under his leadership, we know these funds will be translated into real results on the ground,” dagdag ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin ng Speaker na buong suporta ang ibinigay ng Kongreso sa mungkahi ng DepEd at Executive branch sa panahon ng pagtalakay sa 2025 budget, dahil naunawaan ng mga mambabatas ang parehong halaga sa edukasyon at epekto sa ekonomiya ng hakbang na ito.
“Let’s be clear: this is not just an education initiative. It’s also a bold job-generation program,” ani Romualdez.
“We are creating 20,000 permanent government positions. That means 20,000 families with new income, thousands of education graduates finally landing their first job, and hope returning to homes across the country,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa mambabatas, maraming bagong guro ang manggagaling sa mga probinsiya at liblib na lugar kung saan limitado ang oportunidad sa trabaho.
“We are giving our people a reason to stay and serve in their communities. This also helps local economies and strengthens our public school system from the grassroots up,” aniya.
Sinabi rin ni Romualdez na tamang-tama ang pagpapatupad ng programa lalo’t tumataas ang bilang ng mga estudyante at patuloy na nararamdaman ang kakulangan ng mga guro, lalo na sa malalayong barangay.
“This is the kind of intervention that solves multiple problems at once. We improve teacher-to-student ratios, relieve overburdened schools and, at the same time, generate thousands of new jobs for qualified Filipinos,” paliwanag ng pinuno ng Kamara.
Dagdag pa niya, tututukan ng Kamara ang proseso ng hiring upang matiyak ang mabilis, tapat at makatarungang deployment ng mga guro, lalo na sa mga lugar na may matinding pangangailangan.
“Our goal is not just to fill slots. We want to deploy mentors who are committed, competent and ready to serve. We are planting the seeds of real, lasting change, classroom by classroom, community by community,” sabi ni Romualdez.
Muli ring iginiit ni Romualdez ang pangako ng Kamara na isusulong ang mga polisiya kung saan inuuna ang kapakanan ng publiko na sumasalamin sa layunin ng Bagong Pilipinas agenda.
“Each teacher we hire is a nation builder,” ani Speaker Romualdez. “With the President’s guidance, and with Secretary Angara’s leadership, the House will keep fighting for every Filipino child’s right to learn and every Filipino graduate’s right to work. This is how we build a better future together.”

