Kelot Swak sa selda ang suspek sa pagtangay ng motorsiklo sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

KELOT GAME OVER SA KINARNAP NA MOTOR SIKLO SA TONDO,,

25 Views

ARESTADO ng mga pulis ang isang 36 anyos na lalaki matapos tangayin umano nito ang motorsiklo na nakaparada sa kahabaan ng H. Lopez blvd sa tabi ng San Roque Chapel, Bgy 129, Balut, Tondo, Manila, nitong Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si alyas Randy, 36, binata, residente sa Brgy 129.

Nagpapatrulya ang mga pulis ng humingi ng tulong sa kanila ang biktima. Ang motorsiklo ay narecover habang ang suspek ay naaresto sa follow up operation.

Nakatakas ang suspek ngunit narecover ang motorsiklo.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10883 (New Anti-Car-Napping Law) na isasampa sa Manila City Hall Prosecutor’s Officer.