Calendar
Metro
Natutulog na kelot tigok sa sunog sa QC
Melnie Ragasa Jimena
Jun 25, 2025
423
Views
ISA ang patay habang sugatan naman ang isa pa nang sumiklab ang sunog sa inuupahang silid sa Quezon City nitong Miyerkules ng madaling araw.
Sa report ng QC Fire Department, bandang alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa sa ikalawang palapag ng 2-storey residential at commercial na umanoy lumang gusali sa kanto ng Zambales St., at San Martin De Porres, Cubao.
Batay sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nakita umano ng mga kapitbahay na umuwing lasing ang biktima kaya posibleng hindi ito nagising habang nasusunog ang kaniyang inuupahang silid.
“Nakalabas na ‘yung ibang residente doon pero tanging ang di pa nakikilalang boarder ang hindi nakalabas,” ayon sa report.
Agad namang naapula ang apoy makalipas ang 40 minuto.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog na umabot lamang sa unang alarma.
QC cops bumira; 133 kriminal tiniklo
Aug 25, 2026
Lalaki buking na nagnenenok ng kable, tiklo
Aug 25, 2026
Train set para sa NSCR nasa ‘Pinas na
Aug 25, 2026
Oplan Ligtas Eskwela inilunsad ng QCPD
Aug 24, 2026
Solon sa DENR: Problema sa basura solusyonan
Aug 24, 2026

