Calendar
SWS: 34% ng Pinoy humirap kalagayan sa buhay
HUMIRAP umano ang buhay o kalagayan ng 34 porsyento ng mga Pilipino, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa survey na isinagawa mula Abril 19-27, 34 porsyento ang nagsabi na humirap ang kalidad ng kaning pamumuhay sa nagdaang 12 buwan samantalang 32 porsyento naman ang nagsabi na naging mas maganda ito.
Ang nalalabing 34 porsyento naman ay walang nakitang pagbabago sa uri ng kanilang pamumuhay.
Ang naitalang net gainer na -2 porsyento (loser vs gainer) noong Abril 2022 ay mas mataas ng 14 porsyento kumpara sa -16 porsyento na naitala sa survey noong Disyembre 2021. Ito ay malayo naman sa +18 porsyento na naitala noong Disyembre 2019 o bago ang pandemya.
Tinanong sa survey ang 1,440 respondent na edad 18 taong gulang pataas. Ang survey ay mayroong sampling error margin na ±2.6 porsyento.