Calendar
Provincial
Helper sa bukid huli sa makamundong ‘pag-araro’
Jojo Cesar Magsombol
Jul 5, 2025
418
Views
CAMP MIGUEL C. Malvar, Batangas City — Naaresto ng mga otoridad sa manhunt ang isang suspek sa panghahalay sa Brgy. Maalas-as, Rosario, Batangas noong Hulyo 3.
Kinilala ni Batangas police director P/Col. Geovanny Emerick Sibalo ang nahuli na si alyas Ungi, 25, helper sa bukid, dahil sa dalawang bilang ng paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law).
Nadakip ang suspek bandang alas-12:40 ng tanghali ng mga miyembro ng Rosario police katuwang ang mga tauhan ng Koronadal City Police Station Tracker Team, Provincial Intelligence Unit ng South Cotabato at Regional Intelligence Division (RID) 12 Tracker Team Charlie.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 42, Koronadal City, South Cotabato.
7 wanted sa rape, sex assault kalaboso
Aug 9, 2026
COLLECTION TARGET NILAMPASAN NG PORT OF LIMAY
Aug 9, 2026
Twinning agreement sinelyuhan ng Mabini, Munti
Aug 8, 2026

