Calendar
Mas magandang Hajj pilgrimage hiniling
NALUNGKOT ang isang Mindanao solon ang matapos hindi makakuha ng “travel visas” ang maraming Muslim Filipinos para sa ‘Hajj’ pilgrims na kasalukuyang stranded ngayon sa Metro Manila.
Ipinaliwanag ni House Deputy Speaker for Mindanao at Basilan Rep. Mujiv Hataman na isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ng mga Muslim ay ang “Hajj pilgrimage”.
Sinabi ni Hataman na mapalad ang sino mang Muslim na makakapaglakbay at maisasagawa ang nasabing “pilgrimage” isang beses sa kanilang buhay. Kung kaya’t nalulungkot ang mambabatas sa balitang hindi makapaglalakbay ang nakararami niyang kababayan.
Ipinagtataka din ng kongresista kung bakit hindi nagawang asikasuhin at iproseso ang “travel visas” ng mga kababayan niyang Muslim gayong may pondo naman aniya para sa mga ganitong pagkakataon tulad ng Hajj pilgrim.
Dahil dito, sinabi pa ni Hataman na marahil ay kailangang pag-aralan ang proseso ng “coordination” kaugnay sa Hajj at tignan narin kung pag-aamiyenda sa batas para solusyunan ang nasabing problema.