Calendar
Pulis-NE hinuli 6 suspek sa krimen
CABANATUAN CITY–Anim na suspek sa mga krimen ang nahuli sa siyudad na ito noong Lunes, ayon sa hepe ng Nueva Ecija police na si P/Col. Heryl Bruno.
Isa sa nahuli ang 36-anyos na lalaki dahil sa paglabag sa bagong anti-carnapping law (Republic Act 10883) sa Brgy. Bugtong na Buli, Talavera.
Lima pang wanted na tao ang inaresto dahil sa iba’t-ibang kasong kriminal tulad ng estafa sa San Jose City, reckless imprudence resulting to multiple serious physical injuries at damage to property sa Guimba, reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property sa San Leonardo at qualified theft sa Sta. Rosa.
Nasa kustodiya na ngayon ng kaukulang operating units ang mga naarestong suspek.
“Ang pagsisikap na ito ay naaayon sa patnubay ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr.,” sabi ni Bruno.

