Batangas

Batangas pulis tinuro sa kabataan: Sarili mahalin, magkaroon ng self-esteem

194 Views

NAGSAGAWA ng huling sesyon ang PROJECT R.E.A.D.Y. Resistance Education Against Drugs for the Youth para sa mga mag-aaral ng Tabangao Integrated School, Barangay Tabangao Aplaya, Batangas City.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pat. Eternal E-Yella Godoy sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol. Ira A. Morello , OIC Batangas City Police Station (CPS), Lunes ika-28- ng Hulyo, 2025.

Ang mga paksang tinalakay ay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng moral values at pagbuo ng self-esteem.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong ipaalam sa mga kalahok ang mga birtud at pagpapahalaga na nagpapatibay sa kanilang pagkatao, tukuyin ang mga panganib at kahihinatnan ng paggawa ng desisyon, at matutunan ang kahalagahan ng paggawa ng desisyon at kung paano gumawa ng matalinong desisyon.