Calendar
Mercado-Revilla pinangunahan selebrasyon ng Bacoor Assembly of 1898

PINANGUNAHAN ni Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla ng selebrasyon ng Bacoor Assembly of 1898 na may temang Paggalang sa Nakaraan, Inspirasyon sa Kasalukuyan”.
Sinabi ni Mercado-Revilla na ang diwa ng pagkakaisa na ipinamalas noong “Bacoor Assembly of 1898” ay nagsisilbing paalala para sa lahat ng mamamayang Pilipino patungkol sa mahalagang papel na kinakailangan nating gampanan.
Ipinaliwanag ng Cavite Lady solon na ang aral na ibinibigay ng naturang kasaysayan ay ang pagtatanggol sa ating kasarinlan kung saan mahalagang papel ang kinakailangang gampanan ng bawat Pilipino para matamo ang layuning ito.
“Ang diwa ng pagkakaisa na ipinakita noong Bacoor Assembly of 1898 ay isang paalala para sa ating mga Pilipino na mahalagang papel ang kinakailangan nating gampanan para ipagtanggol ang ating kasarinlan at pagtatanggol sa ating bansa,” wika nito.
Ipinahayag pa ni Mercado Revilla na bilang principal author ng Republic Act No. 12073 o ang The Bacoor Assembly 1898 Act. Dumalo ang kongresista sa “Panayam” Acta Agosto Uno” kasama ang mga historyador, guro, estudyante at mga opisyal ng pamahalaan.
Sinabi pa ng kongresista na ito ang kaniyang ambag sa pagluklok sa bayan ng Bacoor sa kasaysayan ng kasarinlan ng Pilipinas kung saan ipinakita ng mga Pilipino ang katapangan at karunungan sa naganap na Bacoor Assembly upang ipaglaban ang ating kalayaan.
“Umaasa tayong magsisilbi itong inspirasyon sa patuloy nating pagtatatag ng isang bansa para sa bawat Pilipino. Hindi lang ito kuwento ng Bacoor, ito ay kuwento ng lahat,” dagdag pa ni Mercado-Revilla.

