LTFRB

Minimum na pasahe sa pampasaherong jeepney iniakyat ng LTFRB sa P11

Jun I Legaspi Jun 30, 2022
221 Views

ITINAAS ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P11 ang minimum na pamasahe sa pampasaherong jeepney sa buong bansa.

Kinatigan ng LTFRB ang mga petisyon ng iba’t ibang samahan ang mga tsuper at operator na itaas ang pasahe.

“The Board is mindful of the present economic state of every Filipino brought about by the continuous rise in oil prices in the world market and the reeling effects of the COVID-19 pandemic,” sabi sa desisyon ng LTFRB.

Dahil dito ang P10 minimum na pamasahe sa jeepney sa National Capital Region (NCR), Regions 3, at 4 ay madaragdagan ng piso.

Ang iba pang rehiyon ay madaragdagan naman ng P2 dahil ang kanilang kasalukuyang minimum na pasahe ay P9.

Para sa mga modern jeepney, inaprubahan din ng LTFRB na gawing P13 ang kasalukuyang minimum na pasahe rito.

Ang pagtataas ay ipatutupad simula sa Hulyo 1.