Marino

Batangas City mayor iniabot ayuda sa 111 katao

351 Views

UMABOT sa 111 ang nakinabang sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) noong August 12 sa Batangas City.

Iniabot ni Mayor Marvey Mariño ang tulong pinansyal.

Layunin ng programa na matugunan ang pangangailangan ng mga benepisyaryo sa aspeto ng pinansyal, medikal at iba pang pangangailangang dulot ng krisis.

Kabilang sa natulungan ang 79 pamilyang Bajao na naapektuhan ng sunog.

Ang AICS ay naisakatuparan sa pagtutuwang nina Batangas 5th district Rep. Beverly Dimacuha at Mayor Mariño.

Ayon kay CSWD Officer Hiyasmin Candava, prayoridad ni Mayor Marvey ang kapakanan ng mga Batangueño kaya’t naglaan siya ng pondo upang matulungan  ang mga mamamayang dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay.

Kasabay ng pamamahagi ng tulong pinansyal, 525 indibidwal pa ang tumanggap ng medical at burial assistance mula sa Mayor’s Action Center (MAC).