Martin Romualdez

Romualdezes isinulong pagtatag ng medical reserve corps

Mar Rodriguez Jul 4, 2022
246 Views

PINANGUNAHAN ni incoming House Speaker at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez ang pagsusulong ng panukalang batas na ang pangunahing layunin ay magtatag ng isang “medical reserve corps” na ide-deploy sa panahon na magkaroon ng “health emergencies” katulad sa pagsiklab ng COVID-19 pandemic.

Bukod kay Romualdez, kabilang din sa mga kongresista na nagsilbing co-author ng House Bill No. 2 ay sina Tingog Party List Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Ipinaliwanag ng incoming House Speaker na napatunayan sa naging karanasan ng bansa hinggil sa pandemiya na masyadong nahirapan ang ating “health care system” na makatugon sa problemang idinulot ng COVD-19 pandemic.

Sinabi ni Romualdez na kabilang na dito ang kakulangan ng mga doktor at nurses na haharap at mag-aasikaso sa mga COVID patients. Partikular na aniyanoong mga panahong magkaroon ng “surge” o tumaas ang bilang ng mga payenteng may COVID.

Idinagdag pa ng mambabatas na mas lalo pang lumala ang sitasyon sa panahon ng panemiya sapagkat dumating na sa puntong na halos kulangin o kapusin na ng mga doktor at nurses ang iba’t-ibang Ospital sa bansa pribado man o pang-publiko.

“The COVID-19 pandemic has exposed the inability of the country’s health care system to cope with the patients needing medical care due to lack of medically-trained personnel,” sabi ni Romualdez.

“The latest data from the World Health Organiation (WHO) said there are six medical doctors per 10,000 Filipinos in 2017. A ratio lower than the WHO-recommended 10 physicians per 10,000 population,” paliwanag pa ni Romualdez.

Dahil dito, sinabi pa ni Romualdez na ang pangunahing misyon o tungkulin ng Medical Reserve Corp. Ay ang magsilbing suporta na tutulong sa public health care system sa panahon na magkaroon muli ng panibagong health emergencies kagaya ng COVID-19 pandemic.

Ang Medical Reserve Corp ay kinabibilangan ng mga licensed physicians kabilang na ang mga retiradong doktor, medical students, mga graduate ng medicine at mga registered nurses.