Dike

Mindoro dike inaayos na

201 Views

SINIMULAN na ng Sunwest, Inc. (Sunwest) ang pagkukumpuni sa mga nasirang bahagi ng flood control project nito sa Oriental Mindoro.

Ayon sa kumpanya, bahagi ang rehabilitation ng standard warranty commitment ng kumpanya sa government projects. Nagsimula ang repair works noong Agosto 2 matapos ang malakas na ulan, at tuluyang bumilis ang trabaho noong Agosto 11. Target matapos ang repairs bago matapos ang buwan.

Tinatayang nasa limang porsyento ng kabuuang proyekto ang naapektuhan. Patuloy na inaayos ito upang masiguro ang proteksyon ng mga komunidad laban sa pagbaha.

“Ang Sunwest ay nakatuon na panatilihing matibay at maaasahan ang aming mga proyekto,” ayon sa kumpanya.

Mula 2019, may Quadruple A (AAAA) accreditation ang Sunwest—ang pinakamataas na pagkilala mula sa Philippine Contractors Accreditation Board. May ISO certification din ito simula 2011 at kinikilalang Large Taxpayer ng Bureau of Internal Revenue.

Itinatag noong 1992, nakapagtapos na ang Sunwest ng malalaking flood control, kalsada at tulay sa buong bansa. Iginiit ng kumpanya na ginawa ang Mindoro dike ayon sa DPWH standards at specifications.