Calendar
Cebu Love Bus Libreng Sakay inilunsad; commuters makikinabang
LIBU-libong pasahero ang inaasahang makikinabang sa inilunsad na Love Bus Libreng Sakay sa Metro Cebu ng Department of Transportation (DOTr) noong Biyernes.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, ito ay bilang tugon sa utos ng Pangulo na ibalik ang iconic Love Bus na sinimulan ng kanyang nasirang ama para mabawasan ang gastusin ng mga komyuter.
“The President wanted to revive the Love Bus and make it better. It’s now free.
The President said we must do it for the entire country and it is symbolic that we are launching it in Visayas and Mindanao. The program is worth it because it is a direct benefit for the passengers,” ani Secretary Dizon.
Kasama rin sa naglunsad ng Love Bus sa Cebu sina Budget Secretary Amenah Pangandaman at Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.
“Nakausap namin mga pasahero, sabi nila bago gawing libre P30 pamasahe nila one-way so P60 for the day. Malaking bagay ito for our workers, students,” dagdag ng kalihim.
Sa pinalawak na libreng sakay, nasa 2,462 komyuter at 44 operators at drivers ang makikinabang araw-araw sa biyahe ng 11 Love Bus sa rutang Talisay City/Anjo World hanggang Cebu City at vice versa.
Unang ipinatupad ang programa sa Cebu noong Hulyo sa ilalim ng Service Contracting Program (SCP), sa rutang Urgello-Parkmall, kung saan 20,000 na pasahero ang nakikinabang kada araw.
Halos 650,000 na pasahero na ang nakinabang simula noong ilunsad ang unang Libreng Sakay sa Cebu.
Ang libreng sakay sa mga Love Bus ay mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
