Diokno

Fuel subsidy itutuloy ni Marcos admin

186 Views

PLANO ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ituloy ang pamimigay ng fuel subsidy sa mga sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sinabi ito ni Marcos sa isinagawang Cabinet meeting.

Kukunin umano ang pondo nakokolektang buwis sa produktong petrolyo at ibibigay sa mga driver ng pampasaherong sasakyan kasama ang mga tricycle driver.

Sinabi ni Diokno na ngayong linggo ay inaasahan na matatapos na ang pamimigay ng unang tranche ng subsidy sa mga operator at driver ng public utility vehicle.

Ang unang tranche ay nagkakahalaga ng P6,500 at ibinigay sa ilalim ng Duterte administration. Umaabot sa 377,000 ang benepisyaryo ng programa.

Batay sa datos ng Department of Finance nakakolekta na ang gobyerno ng P440 bilyon mula sa excise tax at import duties na ipinapataw sa produktong petrolyo hanggang noong Mayo 2022.