Dolor

MinOr gov idinemanda fake news peddlers

Helen D. Prado Sep 2, 2025
393 Views

IDINEMANDA ni Mindoro Oriental Gov. Bonz Dolor ang mga nagpapakalat ng “fake news” at paninira gamit ang isang pekeng FB page na gumagamit ng kanyang larawan.

“Maitatago ninyo ang inyong mukha pero hindi ang inyong pagkatao,” sabi ni Dolor sa kanyang video post.

Isinampa ang reklamo sa Provincial Prosecutor’s Officena nagpapatunay na seryoso ang hakbang ng gobernador laban sa mga mapanirang post online.

Ayon kay Dolor, ang paggamit ng kanyang litrato upang sirain siya ay hindi dapat palampasin.

“Pantay at may pangil” ang batas para sa lahat, lalo na sa mga gumagamit ng social media bilang plataporma sa paninira at pagkalat ng maling impormasyon, sabi ng gobernador.

Sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division, madali nang matukoy ang mga nasa likod ng mga pekeng account at paninira sa internet, dagdag ni Dolor.

Mabigat ang parusa sa ilalim ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.