Calendar
Toni magiging bahagi ng Villar-owned TV network?
NAKALULUNGKOT isipin na ang pulitika ay madalas nagiging mitsa ng pagkakawatak-watak ng magkakapamilya, magkakamag-anak at magkakaibigan dahil lamang sa magkakaibang opinyon, partido, kulay at mga personalidad na sinusuportahan. Hindi naiiba rito ang singer-actress, host, producer at entrepreneur na si Toni Gonzaga na klaro ang suporta ng kanyang pamilya sa BBM-Sara tandem nina dating Sen. Bongbong Marcos at Davao Mayor Sara Duterte.
Si Toni ang nag-host sa proclamation rally ng tambalan nina former Sen. Bongbong Marcos at Davao Mayor Sara Duterte kung saan kasama ang kanilang mga kandidato sa pagka-senador. Naroon din ang kanilang respective supporters na nagmula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Dahil dito, umani ng katakut-takot na bash ang misis ng director-producer na si Paul Soriano na naging daan nang hindi inaasahan ng marami ng kanyang pagre-resign bilang main host ng long-running reality show ng ABS-CBN, ang “Pinoy Big Brother” now on its 16th year.
Narito ang nilalaman ng kanyang official statement which she posted in her Instagram account kahapon, February 9:
“IT HAS BEEN MY GREATEST HONOR TO HOST PBB FOR 16 YEARS”
“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa Bahay ni Kuya! Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with “Hello Philippines” and “Hello WORLD” for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart.
“Thank you Kuya for everything.
“This is your angel, now signing off…”
Sa pag-alis ni Toni bilang main host ng “Pinoy Big Brother” ay nangangahulugan din ng kanyang pagkalas bilang Kapamilya star. She has been with the network for the last 17 years.
Although wala pang opisyal na announcement, malamang na maging bahagi si Toni ng bagong tatag na broadcast network ng mga Villar na pinamumunuan ng dating senador at Senate President at business tycoon na si Manny Villar, ang Advanced Media Broadcasting System, Inc. (AMBSI) kung saan din magiging bahagi ang game show host-producer at close ally ng mga Villar na si Willie Revillame na inaasahang magkakaroon ng mataas na posisyon sa bagong broadcast network na ang frequency ay matagal na hawak ng ABS-CBN until May 5, 2020 nang mawala sa ere ang nangungunang broadcast network sa Pilipinas for decades dahil sa pagkapaso ng kanilang prangkisa.
Jodi akma sa bagong TV series
AKMANG-akma sa aktres na si Jodi Sta. Maria ang kanyang pinakabagong primetime hit TV series, ang “The Broken Marriage Vow” kung saan niya mga kabituin sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla at iba pa. Ang nasabing serye ay Philippine adaptation ng hit BBC series na “Doctor Foster” which was also adapted in various countries bukod sa Pilipinas.
Jodi is herself separated from her husband na si Panfilo `Pampi’ Lacson, Jr. (anak ng presidentiable na si Sen. Panfilo Lacson, Sr.) na kanyang pinakasalan when she was 22 years old nung March 2005 pero tumagal lamang ang kanilang pagsasama ng limang taon ay ito’y nauwi sa hiwalayan. Ang dating mag-asawa ay mayroong isang anak, si Panfilo `Thirdy’ Lacson III, now 16 years old.
In her past interviews, inamin ng Kapamilya actress na dumaan siya sa depression nang nagkahiwalay sila ng kanyang dating mister. Para makalimutan ang kanyang problema ay natuto siyang uminom, manigarilyo at tumikim ng drugs. Pero bago pa man lumala nang husto ang sitwasyon, ang kanyang co-star sa “100 Days To Heaven” na si Coney Reyes ang tumulong sa kanya na mapalapit sa Diyos at kasunod na rito ang kanyang pagiging isang born-again Christian. She also realized na meron siyang isang anak na naghahanap ng kanyang kalinga at pagmamahal.
Hindi man naging madali ang lahat para kay Jodi, unti-unti siyang nakapag-move on at unti-unti rin niyang natanggap ang mga pagbabago sa kanyang buhay after the break-up. Sa kabila ng kanyang pagiging busy sa kanyang acting job, binalanse niya ang kanyang oras para sa kanyang anak. Whenever she has free time ay madalas silang namamasyal ng kanyang unico hijo. Ito ang kanyang naging travel buddy kahit ngayon na tinedyer na ito at meron nang kasintahan.
Ang matinding sugat sanhi ng paghihiwalay nila ng kanyang ex-husband na si Pampi ay unti-unting naghilom hanggang sa dumating ang panahon na ito’y naging kaibigan niyang muli alang-alang sa kanilang anak na si Thirdy. Ang maganda, pati present partner ni Pampi, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto at dalawa nilang anak na sina Mimi at CJ (Calej Jiro) ay parehong close sa kanya maging sa anak nila ni Pampi na si Thirdy.
Years later after her break-up with her ex-husband, muling nakatagpo si Jodi ng bagong mamahalin sa katauhan ng actor-politician na si Jolo Revilla (anak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado). Pero after several years ay nagkahiwalay din ang dalawa.
Jodi is currently in a relationship with actor Raymart Santiago, ex-husband ng actress na si Claudine Barretto. Pero low profile lamang ang relasyon ng dalawa. Raymart has a teen-age son na si Santino sa kanyang his ex-wife and an adopted daughter na si Sabina.
The Kapamilya actress started her showbiz career in 1999 when she was 15 sa pamamagitan ng mga youth-oriented shows tulad ng “Gimik” at “Tabing Ilog” where she played the role of Georgina `George’ Fuentabella. Ang nasabing afternoon hit TV series ay siya ring nag-launch ng respective showbiz careers ng iba pa niyang mga kapanabayan sa showbiz tulad nina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Paolo Contis, Desiree del Valle, Baron Geisler, Patrick Garcia, Dimples Romana, Rafael Rosell, Mylene Dizon at iba pa.
Naranasan din si Jodi na gumanap sa mga kontrabida roles pero ang kanyang biggest break bilang lead star ay nangyari nung 2012 nang sugalan ng ABS-CBN ang tambalan nila ni Richard Yap sa surprise hit morning series, ang “Be Careful with my Heart” na tumagal sa ere ng dalawang taon at kalahati. Magmula noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagganap ng aktres sa iba’t ibang lead roles hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula.
Pagkatapos ng “Be Careful with My Heart,” bida si Jodi sa iba niyang serye tulad ng remake ng “Pangako sa `Yo” in 2015, “Sana Dalawa ang Puso” in 2018, “Sino ang May Sala” in 2019, “My Single Lady” in 2020 at ang “Ang Iyo ay Akin” na tumagal until 2021 at ngayong 2022 ang “The Broken Marriage Vow”.
Sa kabila na hindi natuloy ang pangarap ni Jodi na maging isang doctor, siya’y nakapagtapos ng Psychology course sa Southville International School and Colleges where she was a dean’s lister. Nabalanse ni Jodi ang kanyang trabaho bilang actress, being a mother to Thirdy maging sa kanyang studies.
No Valentine date for Julia and Gerald
JULIA Barretto is not celebrating Valentine’s Day on February 14 with her boyfriend, ang Kapamilya actor-entrepreneur na si Gerald Anderson dahil may appointment siya with her dentist.
“Maybe a day before, dun kami magsi-celebrate,” kaswal na pahayag ni Julia at the zoom presscon ng kanyang upcoming horror movie, ‘Bahay na Pula’ with Xian Lim and Marco Gumabao na dinirek na premyadong director na si Brillante `Dante’ Mendoza under Viva Films at streaming on Vivamax with already 2.5 million subscribers sa darating na February 25.
Since walang girlfriend si Marco, ang kanyang mom umano ang kanyang makakasama sa Valentine’s day.
Si Xian naman ay tiyak na may Valentine’s date with his longtime girlfriend na si Kim Chiu. Ilalabas din umano niya ang kanyang mom at grandmother.
ANG pelikulang “Bahay na Pula” ay kinunan pa sa Pola, Oriental Mindoro.
Bagong pelikula nina Coco at Julia, sa Pola rin ginawa ni Direk Dante
SA pagkakaalam namin, sa Pola rin nag-shoot ang rumored sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes ng bago nilang movie na pinamahalaan din ni Direk Dante Mendoza, ang paboritong director ni Coco during his indie film days. Horror din umano ang tema ng pelikula nina Coco at Julia dahil gusto ng lead actor at director ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na gawing out-of-the-box ang balik tambalan nila ni Julia sa pelikula. Kasama rin sa pelikula ang co-star nila sa “Ang Probinsyano” na si Raymart Santiago at may special participation din sa pelikula ang actress-politician na si Ina Alegre (Jennifer Cruz) na mayor ng Pola. Ni Aster A. Amoyo
Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.