Calendar
Suspek sa pagbaril, pagkamatay ng senior citizen sa Batanga huli
NASAKOTE ang lalaking namaril at nakapatay sa 69-anyos na biktima sa Sitio Centro 2, Brgy. Nagsaulay, San Juan, Batangas noong Linggo.
Nagtago ang suspek ng ilang oras bago naaresto ng San Juan police kasama ang Batangas 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo, hindi muna pinangalanan ang suspek hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Base sa report, nangyari ang pamamaril dakong alas-9:10 ng umaga na nagresulta sa pagkamatay ng residente ng Brgy. Subukin, San Juan, Batangas.
Ayon sa isang saksi, naglalakad ang biktima at mayayamaya ay nakarinig siya ng mga putok ng baril.
Kinalaunan, nakita ng saksi ang biktima na duguan na at nakahandusay sa lupa habang ang suspek tumatakas patungo sa Brgy. Bulsa, San Juan.
Dinala sa San Juan police ang suspek matapos maaresto para sa dokumentasyon.

