Martin2

Criminal activities at scam gamit ang mga sim cards. Posibleng mapuksa na sa ilalim ng panukala ni incoming speaker Martin G. Romualdez

Mar Rodriguez Jul 12, 2022
196 Views

POSIBLENG masawata at masagkaan na ang talamak na “criminal activities at scam” sa pamamagitan ng iba’t-ibang “mobile SIM Card” sakaling pumasa sa Kongreso ang panukalang batas na inihain ni incoming House Speaker at Leyte 1 st Dist. Rep. Martin G. Romualdez.

Sa ilalim ng House Bill No. 14 na inihain ni Romualdez, magiging isa nang “requirement” para sa lahat ng “mobile subscribers” ang pagpapa-rehistro sa kanilang “postpaid at prepaid” SIM Card.

Ipinaliwanag ni Romualdez na layunin ng kaniyang panukala na hindi na magamit sa iba’t-ibang criminal activities at scam ang mga SIM Card sapagkat kaya lamang namamayagpag ang mga illegal na aktibidades ay dahil hindi naka-rehistro ang mga nabibiling SIM Card.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na tanging ang mga “postpaid mobile phones” lamang ng mga subscribers ang nakarehistro bilang “requirement” bago sila magpalagay ng linya sa kanilang mga cellphone.

“This bill seeks to require ownership registration of SIM Cards to eradicate mobile phone-aided criminal activities,” sabi ni Romualdez.

Aminado din si Romualdez na dahil abot kaya na lamang ang mga nabibiling SIM Card sa halagang P30.00, naging magaan na para sa ilang mamamayan ang makabili ng SIM Card na ginagamit naman nila sa paghahanap ng trabaho, sa edukasyon at public information.

Sinabi din nito na ilang “cellular phone service providers” na ang nag-block ng milyon-milyong text messages at SIM Cards bunsod ng dumadagsang reklamo mula sa kanilang mga subscribers.