Migs

Mga under-de-sayang asawa maari narin magsampa ng reklamo sa kanilang matapang na misis sa ilalim ng isang panukalang batas

Mar Rodriguez Jul 13, 2022
229 Views

ISINAMA na sa “coverage” o saklaw ng Republic Act No. 9262 na mas kilala bilang “Anti-Violence Against Women and Children” ang mga kalalakihan naman na “Andres” o mas kilala bilang mga “Under-de-Saya” laban sa kanilang matatapang at mabagsik na misis.

Maaari nang magsampa ang mga kalalakihan na ginagawang “punching bag” ng kanilang napakatapang na misis sapagkat hindi na lamang ang mga kababaihan ngayon ang maaaring mag-reklamo kundi pati na rin si mister na biktima rin ng pang-aabuso.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na isinulong ni Puwersa ng Bayan (PBA) Party List Rep. Margarita “Migs” Nograles sa ilalim ng House Bill

No. 1365. Kung saan, inaamiyendahan nito ang RA 962 upang mapasama sa coverage ng nasabing batas ang mga “Andres ng Tahanan”.

Aminado si Nograles na hindi lamang “exclusive” sa mga bata at kababaihan ang tinatawag na “domestic problem” kundi kasama din dito ang mga kalalakihan na inaabuso ng kanilang misis sa pamamagitan ng “physical at verbal abuse”.

“It is hereby declared that the State values the dignity of women and children and guarantees full respect for human rights.

The State also recognizes the need to protect the family and its members particularly women, PARTNERS and children from violence and threats to their personal safety and security,” nakasaad sa panukala ni Nograles.

Nais ng mambabatas na ma-amiyendahan ang Section 2 o Declaration of Policy ng RA 9262 na hindi lamang nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan at mga bata. Kundi sasaklawin narin nito ang pagbibigay proteksiyon sa mga kalalakihan.