Calendar
Provincial
23 drug suspek, P783K na shabu laglag sa PRO-4A cops
Jojo Cesar Magsombol
Sep 22, 2025
222
Views
CAMP PBGEN VICENTE LIM, Laguna – Walang puknat ang kampanya ng Police Regional Office (PRO)-4A, sa pangunguna ni director P/BGen. Kenneth Lucas, laban sa ilegal na gamot, loose firearms, pagsusugal at terorismo.
Umabot sa 23 suspek ang nadakma na may pag-iingat ng hinihinalang shabu na umaabot sa 15.20 gramo at nagkakahalaga ng P783,360.
Naaresto rin ang 38 katao dahil sa pagsusugal at nakumpiska ang P8,196 mula sa mga suspek.
Sa loose firearms, tatlong tao ang nakalaboso at nahulihan ng mga ilegal na baril.
Nasakote rin ng mga otoridad ang 10 wanted persons sa iba’t ibang kaso.
Kabilang sa mga araw-araw na pag-aresto ang pagpapatupad ng mga ordinansa upang isulong ang kapayapaan at kaligtasan sa buong Region 4A.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026

