Lumban

Kelot pauwi sa Lumban, winelkam ni Kamatayan

Gil Aman Sep 29, 2025
270 Views

TIGOK ang 43-anyos na lalaki matapos barilin ng siyam na beses habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay noong Lunes sa Transmission Line, Brgy. Maytalang 1, Lumban, Laguna.

Ayon sa Lumban police, suspek si alyas Lito sa pagpatay sa biktima na doon mismo sa pinangyarihan ng krimen nalagutan ng hininga.

Sa imbestigasyon ng Lumban police, naglalakad ang biktima pauwi ng biglang sumulpot ang armadong suspek at bigla na lamang pinaputukan ng sunud-sunod sa katawan ang biktima at tumakas sa hindi batid na lugar.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo sa pananambang sa biktima.