Chavez

Negosasyon para sa pagtatayo ng 3 rail project itinulak ni PBBM

183 Views

ITINULAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang muling pakikipagnegosasyon ng pamahalaan para sa pangungutang nito upang mapondohan ang pagtatayo ng tatlong railway project sa bansa.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Cesar Chavez nais ni Marcos na matuloy ang Subic-Clark Railway Project, Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project, at ang Davao-Digos segment ng Mindanao Railway Project (MRP).

Nauna rito ay sinabi ni Chavez na walang naging tugon ang China sa hiling ng nakaraang administrasyon na pondohan ang tatlong nabanggit na proyekto.

Sinabi ni Chavez na itinuturing na binawi na ng bansa ang hiling nito sa China matapos na hindi aprubahan bago ang pagpapalit ng administrasyon.

Sa pagpasok ng administrasyong Marcos ay kailangan ng muling hiling sa pangungutang. Bukod sa China maaaring umutang sa ibang bansa.

Ayon kay Chavez maaari rin na ilagay na lamang sa ilalim ng public-private partnership ang mga proyekto o ang mga lokal na pribadong kompanya n