Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Bauan

SMILE sentro ng pamumuno ng Bauan mayor

302 Views

BAUAN, Batangas–Ginanap noong Huwebes ang unang 100 araw ng panunungkulan ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor ng bayang ito na nakasentro sa SMILE (Serve More with Integrity Lead with Empathy).

May kasamang katapatan, malasakit at positibong kalooban ang SMILE service, ayon sa mayor.

Mula sa prinsipyong SHIELD ang SMILE, ayon sa mayor.

Shelter and Social Services, Health, Inclusive education, Employment and Environment, Livelihood at Development ang ibig sabihin ng SHIELD na sinimulan ni dating mayor Ryanh Dolor.

“Habang ako ang inyong ina ng bayan ipinangangako ko na patuloy kong ipaglalaban ang bawa’t pamilyang Batangueno sa kahit anong unos man o sa pag-asa sa hirap man o saya,” sabi ng pulitiko.