Rape1 Si NBI Director Jaime Santiago habang nagbibigay ng pahayag kaugnay sa pagkakaaresto sa suspek sa rape sa Davao City. JONJON C. REYES

Kelot tiklo sa panggagahasa

Jon-jon Reyes Oct 10, 2025
284 Views

ALINSUNOD sa pangako ng National Bureau of Investigation (NBI) na itaguyod ang hustisya at protektahan ang mga bata laban sa mga karahasan, inaresto ng NBI-Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) ang isang suspek sa qualified rape sa Davao City noong Oktubre 7.

Nag-ugat ang operasyon sa Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 33, Davao City laban sa Subject dahil sa nabanggit na paglabag.

Inimbestigahan ng Office of the City Prosecutor ng Davao City ang kaso at sinundan ng pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa suspek.

Nahuli ang suspek sa tulong ng warrant of arrest sa Ecoland Davao City kung saan nagtitinda ng banana cue ang suspek. Dinala sa tanggapan ng NBI-SEMRO ang suspek pagkatapos maaresto para sa standard booking procedure.

Pinuri ni NBI Director Jaime Santiago ang mga ahente ng NBI-SEMRO sa pag-aresto sa subject.