Calendar
Lindol pinaghahandaan sa Laguna
STA. CRUZ, LAGUNA–Pinaghahanda na ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang mga residente sa banta ng lindol at pinangunahan ni Gov. Sol Aragones ang preparasyon.
Pinag-uusapan na sa lalawigan ang kaligtasan ng bawat mamamayan sakaling dumating ang hindi inaasahang paglindol.
Binisita ni Aragones ang ilang gusali ng mga paaralan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga istruktura sa lalawigan probinsya.
Kasama sa pagbisita ang mga tauhan ng Provincial Engineering Office para ituro ang mga gusali na hindi na pwedeng gamitin.
Inatasan din ni Aragones ang mga mayors na bisitahin ang mga lugar na kanilang nasasakupan.
Sinabi na rin ng mga eksperto mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga lugar sa Laguna na nasa paligid ng mga aktibong fault line.
Kabilang dito ang ilang bahagi ng Calamba, Los Baños, Bay, San Pablo, at Sta. Maria, na patuloy ngayong mino-monitor ng mga awtoridad.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging alerto at sumunod sa mga alituntunin ng kanilang lokal na Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs).
Binigyang-diin ni Gov. Aragones na ang kaligtasan ng bawat mamamayan ang pangunahing prayoridad ng pamahalaang panlalawigan.

