Santiago Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago ang hot pursuit ng mga ahente ng NBI sa La Union laban sa mga suspek sa paglabag sa kasong anti-human trafficking. JONJON C. REYES

2 negbebenta online ng batang lalaki, babae para sa sex huli

Jon-jon Reyes Oct 16, 2025
616 Views

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Ilocos Regional Office (NBI-IRO) ang dalawang suspek sa paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) sa San Fernando, La Union kamakailan.

Nahuli sina alyas Warren at Vhanz, ayon kay NBI Director Jaime Santiago, batay sa impormasyong ibinigay ng isang non-government organization (NGO) na lumalaban sa child trafficking.

Nag aalok ng mga menor-de-edad na babae at lalaki sa pamamagitan ng social media para sa mga serbisyong sekswal ang dalawang suspek kapalit ng P3,000 hanggang P4,000.

Nakumpirma ng online surveillance ng mga ahente ng NBI-IRO na sangkot nga ang mga suspek sa prostitusyon ng mga menor-de-edad na biktima.

Nagkita ang mga suspek at isang poseur-cliens sa San Fernando City, La Union kung saan ipinakilala ang dalawang babaeng kasama na magbibigay ng serbisyong sekswal.

Noong Oktubre 9, ang mga ahente ng NBI-IRO, kasama ang mga tauhan ng NGO at mga lokal tumuloy sa napagkasunduang lugar sa Bauang, La Union.

Nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek ang meeting. Sa operasyon, nasagip ang 18 babaeng biktima, 4 na babaeng menor-de- edad, 1 lalaki at 3 lalaking menor-de-edad.

Pinuri ni Director Santiago ang mga ahente ng NBI-IRO sa matagumpay na operasyon.