Sekyu

Sekyu todas natagpuan ng karelyebong sekyu

Gil Aman Oct 21, 2025
255 Views

TODAS ang security guard sa tama ng bala sa ulo noong Lunes sa Palma Real sa Brgy. Malamig, Binan City, Laguna.

Nakahandusay ang biktima na kinilalang si alyas Ramil nang matagpuan ng karelyebo niyang sekyu, ayon sa report.

Base sa salaysay ng kasamang security guard na papalit sa biktima, bandag alas-6:40 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng biktima sa kanyang security post.

Dalawang basyo ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.