Robin

Medical marijuana, napapanahon na uapng isa legal— Sen. Robin Padilla

244 Views

Panahon na aniya upang bigyan ng konting awa, kalinga at pang-unawa ang mga taong dumadanas ng matinding sakit at hirap dulot ng karamdaman na nararanasan.

Ito ang mariin na paliwanag ng aktor na si Senador Robinhood Padilla kung saan ay inihain niya ang isang kontrobersiyal na panukala na naglalayong payagan sa Pilipinas ang paggamit ng medical marijuana o cannabis at sa mas malawak na pananaliksik dito bilang gamot.

Sa kanyang Senate Bill 230, ipinaliwanag niya namatagal nang ginamit ang marijuana bilang herbal medicine para sa mga karamdaman tulad ng gout, rheumatism, at malaria. Subalit aniya, dapat magkaroon ng parusa sa pag-abuso ng marijuana.

Ayon pa kay Padilla, ang paggamit ng marijuana ay nangyayari na noong unang panahon pa lamang at ito ay napatunayan na nagbibigay lunas sa maraming karamdaman at sakit na dinadanas ng may matitinding sakit.

“The State should, by way of exception, allow the use of cannabis for compassionate purposes to promote the health and well-being of citizens proven to be in dire need of such while at the same time providing the strictest regulations to ensure that abuses for casual use or profiteering be avoided,” giit ni Padilla sa kanyang panukala.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang medical cannabis sinasabing ang produkto na tulad ng capsule at oil at hindi ang raw cannabis or marijuana ang syang gagamitin para sa “debilitating medical condition” ng “qualified patients.”

Mariin din sinabi ni Padilla na sisiguraduhin ng mga otoridad na hindi hithit ng marijuana ang istilo nang paggamit kundi ang mga oil o langis na dadaan sa masusing transpormasyon para siguraduhin na para sa “medical purpose” ang serbisyo nito at hindi upang sirain ang katawan partikular ang baga at kalusugan ng tao.

SA naturang panukala, nilinaw ni Padilla na ang halimbawa ng mga debilitating medical conditions ay tulad ng ” cancer, glaucoma, multiple sclerosis; damage to the nervous system of the spinal cord, with an objective neurological indication of intractable spasticity; epilepsy; positive status for human immunodeficiency virus (HIV) or acquired immune deficiency syndrome (AIDS); and rheumatoid arthritis or similar chronic autoimmune inflammatory disorders, ang siya lamang bibigyan ng tamang medical prescription ng mga doktor.

Sinabi rin niya na ang principal regulatory agency ay ang DOH na magtatayo ng Medical Cannabis Compassionate Center (MCCC) sa public tertiary hospitals at gagawa ng Prescription Monitoring System at electronic database ng registered medical cannabis patients at physicians.

Gayundin ang Food and Drug Administration ang magte-testing sa medical cannabis product, habang ang Dangerous Drugs Board at Philippine Drug Enforcement Agency ang magmo-monitor at magre-regulate ng medical cannabis at kasama nito ay ang registry ID card para sa mga kwalipikadong pasyente lamang na sadyang may matinding kondisyon na dapat bigyan ng medical cannabis bilang gamot.

Ayon kay Bad Boy ng Philippine Cinema, mismong ang United Nation at World Health Organisasyon ay sumang ayon sa mga mabuting epekto nito kung kayat nananawagan siya sa pamahalaan na bigyan ng puwang ang nasabing gamot na kontrolado naman aniya dapat ng tamang ahensya sakaling isa legal na ito.

“Sa maiikli at simpleng salita po, ang tawag dito ay awa at pang-unawa sa mga taong kailangan ang ganitong uri ng gamot upang mabigyan sila ng kaunting ginhawa sa dinadanas na karamdaman,” paglilinaw ni Padilla.

Binigyan diin din niya na may kaparuhan isang taun na pagkakulong sa mga taong gagamit nito bilang bisyo lamang ng katawan at lalong mas mabigat na parusa na 20 years na kulong sa mga doktor na magbibigay reseta sa mga taong gagamitin lamang ang medical marijuana para sa kanilang bisyo.