Suspek

P760K na shabu, 6 na tulak laglag sa parak

Steve A. Gosuico Oct 23, 2025
238 Views

CABANATUAN CITY–Nadakip ang anim na pinaniniwalaang tulak at nasamsam ang shabu na nagkakahalaga ng P762,960 at isang magnum .357 ba baril noong Huwebes at Miyerkules.

Ayon kay Nueva Ecija police chief P/Col. Heryl L. Bruno, nahuli sa buy-bust sa Brgy. San Vicente, Gapan City alas-4:00 ng umaga sina alyas Joy, 31; Jajam, 18; at Geleng, 29.

Nakuha sa tatlo ang humigit-kumulang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.

Sa lungsod na ito, naaresto sina alyas Jera, 30; at Ilio, 50, at nakuhanan pa ng 55 na gramo na nagkakahalaga ng P374,000, at paltik na .357 revolver.

Nasakote naman ng San Jose City police si alyas Gelo, 42, dahil sa pag-iingat ng droga.

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“Ang mga salot ng lipunang ito na nagtutulak ng ilegal na droga ay walang karapatang gumala,” sabi ni P/Col. Bruno.