Tugade

Viaduct ng LRT-1 extension phase 1 tapos na

678 Views

NATAPOS na ang mga viaduct na bahagi ng Light Rail Transit 1 Extension Phase 1, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagtatapos ng mga viaduct ay naglalapit sa pangarap na magkatotoo na ang isang panaginip.

“20 years ago, the government had a vision of putting a Cavite extension for the LRT-1 line. This was just a dream 20 years ago,” sabi ni Tugade. “Ang pagtatapos ng Phase 1 viaduct ay pagpapakita natin sa bayan na ang proyekto ay totoo. Pinapakita natin sa bayan na ang proyekto ay paparating at matatapos na.”

Unang plinano ang 11.7 kilometrong LRT-1 Cavite Extension Project may 20 taon na ang nakakaraan. Mayroon itong walong istasyon na mag-uugnay sa Baclaran, Parañaque City at Bacoor, Cavite.

Hanggang noong Disyembre 2021, ang overall progress rate ng Phase 1 ng proyekto ay t 61.60%.

Kapag natapos, ang mahigit isang oras na biyahe ay magiging 25 minuto na lamang. Patataasin din nito ang daily passenger capacity ng LRT-1 sa 800,000 mula sa 500,000. Ni MAR RODRIGUEZ