jerico

Agarang tulong mula DSWD sa mga biktima ng trahedya sa Abra, Cavite, Taguig

Jerico Javier Jul 27, 2022
211 Views

MAKAKATANGGAP ng agarang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng lindol sa Abra; sa nag-collapse na bridge sa Dasmariñas, Cavite; at nagsalpukang boats sa fluvial parade habang ipinagdiriwang ang Feast of Sta Ana at Taguig River Festival.

Ito ang tiniyak ni DSWD Sec. Erwin Tulfo alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Nauna rito, nakipag-coordinate at kasalukuyan pa rin nakikipag-coordinate si PBBM sa DSWD at concerned local government units (LGUs), kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), para masiguro ang kaligtasan ng mga residente ng mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol at mapanatag din ang kalooban ng mga biktima ng lindol sa Abra.

Sa kasalukuyan ay 24/7 na pong nakatutok si Sec. Tulfo sa mga kaganapan at nakahanda nang ilipad ang mga relief assistance sa mga pinangyarihan ng trahedya.

Ayon kay Sec. Tulfo, makakaasa po kayo na hindi natutulog ang gobyerno, partikular na po ang DSWD at sa mga pangangailangan ng mga mamamayan — lalo na ng mga biktima ng mga nasabing trahedya.

**********

Monthly subsidy bill sa mga PWD suportado ng maraming mambabatas

Ipinapahatid ni Sec. Tulfo ang kanyang pasasalamat sa mga mambabatas na nagpahiwatig ng pagsuporta sa panukalang batas na isinusulong ng DSWD para sa buwanang cash assistance sa mga indigent persons with disability (DSWD) lalong lalo na yung nangangailangan ng buwanang maintenance medication.

Ang House Bill 1754 o ang “Act Providing Subsidy for Indigent Persons with Disability “ ay ipinanukala ng mga ACT-CIS Congressmen na sina Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Jeff Soriano, gayun din sina Benguet Congressman Eric Yap, at Quezon City 2nd District Cong. Ralph Tulfo.

Ayon kay Sec. Tulfo, nangako na rin sina Ormoc Rep. Richard Gomez, Quezon City 3rd District Cong. Franz Pumaren, at 4th District Rep. Marvin Rillo na susuportahan ang naturang batas para sa PWDs.

Nakipagkita rin kay Sec. Tulfo kamakailan ang magkapatid na Congressman ng Cavite na si Jolo Revilla at Bryan Revilla ng Agimat Partylist para sabihin na tutulong sila para agad mapasa ang nasabing batas.

Hindi man kalakihan pero kahit papaano may pandagdag sa pambili ng gamot o mga personal pangangailangan, ng mga kababayan nating may kapansanan, ayon sa Kalihim.

Maging sina Sens. Bong Revilla at Raffy Tulfo ay nagpahiwatig na rin ng pagsuporta sa nasabing panukalang batas kapag umakyat na ito sa Senado.

Sa ngalan po ni Sec. Tulfo, maraming salamat po sa suporta sa PWD Bill mga bosing sa Kongreso at Senado.

Kapit lang mga kababayan. Laging nasa likod ninyo ang gobyerno, partikular na si DSWD Sec. Tulfo.